Portyun Kuki
Noong Study Period binigay yung test results sa Algeb (93%, pambawi wooh!). Pero mabilisan lang yun, kaya ginugol namin yung natitirang oras sa pagma-MASH: ang laro ng mga walang magawa sa klase. Naabutan ko lang si Jenina at Shei na ginagawan si Zarah, tapos nag-imbento sila para kay Pen, tapos sinunod nila ako. At ang kapalaran ko, sa isang pangungusap:
Pagkagradweyt sa AMA College, mapapang-asawa ko si Johnny Depp at titira kami sa isang apartment sa Antipolo, magkakaroon ng apat na anak at isang pet hamster at ako’y gagamit ng isang golf cart upang makapunta sa lugar ng aking propesyon, na isang librarian.
Halos lahat ata ng hindi matinong piliin sa bawat kategorya napunta sakin e. 1 out of 4 chances lang yun ha. Malas.
(YAK, masyadong dinadamdam e.)
Pero yun nga yung word for the day: MALAS.
Nagsimula araw namin sa isang sermon mula kay Sir Mark. Tungkol sa IP at kung anu-ano pa. Parang naiipit tiyan ko tuwing sasambit siya ng isang proyekto bilang halimbawa ng isa sa kanyang pinaggigigilan. Hindi naman kami natawag. Grabe, buti na lang si Ms. Bio yung may kinalaman sa Oral Defense. Baka himatayin ako pag si Sir Mark (gustong-gusto na raw niya magpahiya ng bata sa sama ng loob). Ngayon ko lang ulit nakitang may malaking “DISAPPOINTED” sa mukha niya. (Hindi literal ha. Yek.) Na-encounter ko yan nung Grade 6, dahil sa kung anong pinaggaga-gawa ng mga kaklase ko sa Punnet Square nila sa test. Yung mga palaka nga pala namin, nag-decompose na, pinatapon; bagsak kami lahat kasi wala kaming sample. Kung may PAKI raw kami, tatanungin namin sa ibang section kung bakit nag-iba yung kulay ng alcohol. Okay, isa: patawarin at hindi kami knowledgeable dyan at dalawa: ba’t kasi hindi formaline yung ginamit?!? Sa totoo, napansin ko na hindi ko na makita yung mga palaka… pero ganyan din yung itsura ng mga sample sa GS Lab a!!! Cloudy, murky. Kaya hindi na ako nagtanong.
Kung may paki raw kami… Pero come to think of it… kelan ba ako nagseryoso sa Lab? Ang hassle ng Lab, seryoso. Natuwa lang ako nung nagkolekta kami ng mga kabuteng nagtatago sa damuhan; parang treasure hunt kumbaga. Pero bad trip din kasi nilagay naming yung lahat ng yun sa ISANG jar lang, saka nilagyan ng alcohol. So funky the smell, mehn.
Pero in furrnes, I put my heart into my Investigatory Project!
*blink*
Dude, that so did not sound right.
Among other things, the Asian Fest exhibit opened today. To our surprise, there were even some Korean visitors... at least we think they were. Nagpipigil sina Zarah at Shei na sumigaw ng "YI KOREA'!" (emphasis on 'A'), sabay peace sign. Pero kung Japs yun, dapat "WA!", which is what the Chinese called the Japanese a long, long time ago. Translation? Hairy little sea dwarfs. The most interesting line in our history book so far.
Sher just called to ask if I could play “A Whole New World” for the Arabian play. Speaking of the piano… I just remembered I can’t go to the Ateneo fair this Saturday. Hm… practice at Teacher’s house, on the grand piano. Oh man… it’s going to be a busy February.
Note to self: must buy Jason Mraz’s and Jack Johnson’s cds. Must reduce instances of burning.
And other things: Must pass Paraliturgy format in CLE. Must pay for Biotrip. Must plan for Biotrip. Must prep for Oral Defense.
And the most important: Must start NOW.
1 Comments:
e... kahit ano mang tawag dun, alam mo tinutukoy ko, haha. golf cart yung sinulat ng friend ko e.
2:34 AM
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home