Monday, June 04, 2007

Minsan

Minsan - Eraserheads

Minsan sa may Kalayaan
Tayo nagkatagpuan.
May mga sariling gimik
At kanya-kanyang hangad sa buhay.

Sa ilalim ng iisang bubong,
Mga sikretong ibinubulong.
Kahit na anong mangyari,
Kahit na saan ak man patungo.
Ngunit ngayon,
Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan.

At kung sakaling gipitin ay
Laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.

Minsan ay parang wala nang bukas
Sa buhay natin.
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo'y mauubusan.
Sa ilalim mg bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman.
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya.

Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari,
Kahit an anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan.

Dahil ngayon,
Tayo ay nilimot ng kahapon.
Di na mapipilitang buhayin
Ang ating pinagsamahan.

Ngunit kung sakaling mapadaan,
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.

Guys, kanta ko to para sa inyo. :(

Eto na naman yung isa sa mga araw na weird ung feeling mo. I feel... put out. Lalo na't ang kulimlim, at di ako makapaglaro kay Bianca. Kala ko dati gusto ko ng ulan. Ngayon naiisip ko, parang ayoko na ng ulan. Nakakalungkot e.

Alam niyo yung feeling na napapag-iwanan? Parang ganun ung pakiramdam ngayon. Ngayon ko lang naintindihan yung kanta ng E-heads. Naiisip ko... hindi ko na nga nakasama yung mga kaibigan ko nung junior year, tapos sa summer hindi rin(!), tapos ngayong school year... what if hinde?! ANG SAWI NAMAAAAAAAAAAAAN! Seriously, naiiyak ako pag naiisip ko yun. And to think na naiiyak lang ako pag sobrang frustrated na ko, or galit. Hindi ako umiiyak pag nalulungkot; nananahimik ako sa kama pag ganun.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!! Ang tae naman pag hindi ko at least makasama sa retreat yung friends ko. :((

Pero yung gusto ko sa summer na to (even if I didn't see much of my friends), naging best friends kami ni Bianca. Alam ko na yung ibig sabihin kapag best friend mo sister mo. I'm glad I'm not an only child. (Ano nga pala plural ng "only child"? Only childs? Only children? O_O)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home