Not exactly a bad day. Just unlucky.
For starters, kaming dalawa lang ni Bianca (na naman) yung naiwanan sa bahay. Breakfast for two can be quite lonely. So eto na pala yung feeling pag nag-ooffice na yung kapatid mo. It wouldn't have been so bad, if not for the fact that:
1. Naputulan kami ng tubig. Great. Buti na lang nakaligo pa ko. Hindi ko lang mahugasan yung pinggan. I can't stand dirty dishes! Dang.
2. Naputulan kami ng kuryente. Ayun. Dobol strayk! Nahuli si Dad sa pagbayad by a few hours. Nasa kanya pa yung resibo! Worse, ako pa yung nakikipag-usap kay Mr Meralco Man-- ako, yung ignorante pa naman sa bagay na ganyan. I didn't know what to say, except for apologetic silence.
3. Dumaan yung mga basurero sa bahay namin. Okay, I know na parang hindi siya malaking issue, but the thing is, kaming dalawa lang ni Bianca yung nasa bahay. Kaming dalawang dalagita lang. So do you know how scary that is?! Sobrang bulong lang kami, and we waited for them to go away. Eto nga lang: nagpahinga sila sa ilalim ng acacia tree namin sa labas. Kamusta naman yun! Hindi ko naman ipagkakait yung acacia tree namin, pero tumumpak lang sila sa araw na kaming dalawa lang ang nasa bahay. I didn't want to go out! Kinausap ko na nga si Mr Meralco Man at lahat e.
Isang oras din sila dun nagpapahinga.
4. At dahil wala ngang kuryente, hindi ko na-charge ang aking phone at hindi ko nakuha yung message ni Zarah.
5. Sawi pa rin kami pagdating sa LOTR1. Lahat ng nahihiram naming kopya di gumagana. Nakakaiyak.
So in the end, pumunta na lang ako kay (chenchenenen!) Joanne, yung bestfriend ni Bianca na nakatira sa FEU village. Syempre kasama ko si Bianca. We watched John Tucker Must Die (finally!) and She's the Man.
Chick flicks are the greatest! You can absorb it all without thinking. Medyo nakakasawa nga lang yung predictable stereotyping nila, as the lack of realism. Isama mo na rin yung pareparehong plot: nobody highschool girl+ jock guy + pretense + problem + eventual guilt + Big Confession In Front of Everybody In the Middle of an Important Event+ tears + kiss + more kisses + kiss kiss + rock music intro (usually the All American Rejects' Dirty Little Secret)= Happily Ever After.
Same old same old. Kaya nga wala ka nang iisipin. San ka pa?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home