Lagot
Hindi pa ko handa sa reco!!!
Argh... it's too soon! Wala pa kong nagagawang palanca.
Okay, that's one issue I have to talk about. Kung gusto kitang gawan ng palanca, gagawan kita. At pag ginawan kita, hindi lang yan basta-basta. Sincere yan! At es-pe-syal. Pinaghirapan. Binigyan ng oras. Es-pe-syal. Hindi ordinaryo. Hindi usual commodity. Es-pe-syal.
O ano, kulit ba?
Emphasized na yung ESPESYAL. Ayoko kasi sa copy-paste (no, I'm not talking about piracy this time, but I still hate copy-pasters-- any and every kind!). Naiirita talaga ako sa mga taong gumagawa ng sandaang kopya ng:
Dear ___________,
Happy Reco! Hehe, yun lang.
From,
__________
Napaka... UNespesyal. Haha yak, parang ensaymada na tong pinaguusapan. Still, it's the thought that counts, I suppose. The thought na sinama ka sa listahan ng KELANGAN bigyan. Hindi yung GUSTONG bigyan.
Sakin kasi... pag gusto nga bigyan, bibigyan ko. Pag hinde, magtiis ka kasi wala akong gagawin. Harsh? Nah, it's just a de-stress thing. (MWAHAHAHA!) I would NOT conform to this thing we call society. I will NOT abide by the rules of polite propriety, that dogged cage of no escape! Hindi ako magbibigay dahil napipilitan ako. And ever since this Christmas, wala na kong hiya tumanggap ng regalo kahit na wala ka sa listahan ko ng bibigyan. (Pero may guilt rin; syempre, bait akong bata e.)
So in conclusion... If you EVER receive something from me, it's something that I thought about. It's something I thought you'd LIKE, not what would fit my budget (though often it's a little bit of both).
In short... Pag may matanggap kayo sakin... isang parangal na yan sayo kaibigan.
MWAHAHAHAHA!!!
Ew, anyway. Enough of that weirdness.
As of 8:36 pm, I haven't packed, I haven't thought of what to do, and I haven't done any palancas still. I spent my afternoon watching TV and sleeping. I think I regret the sleep part; ang init and it brought no joy whatsoever kasi nagising akong pawis. Nagsisisi tuloy ako; sana nakagawa na lang ako ng palanca.
Haha, yeah, as if.
Kahapon ko pa yung pinaplanong gawin. Take note, pinaplano palang. Wala pang aksyon hanggang ngayon. Lagot.
Pero minsan... napagisip-isip ko... parang masaya mag-cramming. May sense of purpose ka bigla e. Yung gagawin mo, tatakbo ka lang sa finish line, kasi kita mo na. O kaya, kumbaga sa conveyor belt, aalis ka na sa pagkalatag at pagkabum mo dun, kasi malapit na yung chopping knives. YUN ang DEADline.
Which reminds me... andami ko nga palang deadline ngayon a.
Boo.
3 Comments:
buti na lang hindi pa uso copy-paste sa amin nun! :p
ang uso naman, enumeration.
dear ___,
what i like about you:
1.
2....
what i hate about you:
1.
2...
kakainis! wala man lang effort. kaya dyan mo malalaman kung sino sincere at concerned sa iyo.
4:54 PM
HAHA, sinamahan pa ng hate list e.
2:26 AM
hindi talaga maiwasan may mga immature pa rin sa HS :p
2:25 AM
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home