Solo sa PC
Di gumagana yung YM.
MAI GOODNESS.
Nakakabagot tuloy. Minsan-minsan lang mangyari na solo ko yung pc, pati kwarto, kasi nag-overnight si Bianca at Ate sa school, tapos walang YM.
Ayan. Nagneneopets nalang ako. Extreme case of boredom.
Ba't ba ganun, may mga taong sobrang busy pero bored parin? Pero ayaw nila magtrabaho? Parang ako... at ikaw... at sila... at ang mga kilala natin...
Sa totoo lang, isa lang ang araw sa weekend. Yun ang Friday. Kasi gagawa ka na ng assignment sa Saturday at Sunday-- dahil wala nang Study Period, wala na ring recess at lunch na maluwag ang cram time. (Pano ba yan, sanay ako gumawa ng Math assignment sa recess at lunch...) Yung malala pa dun, SOBRANG aga dumating ng teacher sa classroom. Tapos pag tumapat na yung oras sa bell-- lagot. Late ka na. Tapos papakuha ka ng late slip. Ewan ko, sino bang nag-isip na ilagay yung mga late slip sa admin?! Walang logic sa thought na yun! Anlayo-layo ng building, papalakad mo pa yung estudyante; knowing Assumptionistas, parang sinabi mo nang wag na silang bumalik hanggang sa end ng period-- mahilig kasi kami mag-gugol (Google? Haha) ng oras sa paglalakad sa kawalan. Ede ano yun, binigyan mo pa sila ng opportunity!!!
Sayang ang tuition namin sa teacher na nagpapakuha ng late slip!!!
Anyway. Dapat ilagay yung late slips sa CA's office para masaya ang lahat.
Mga trenta minutos na ang nagdaan, at hindi pa rin ako makapasok sa YM.
Mai goodness.
So... first week of formal classes.
Sa totoo lang, medyo nagulat ako. Parang intro pa lang sa lahat ng lessons, halos wala pa kong nasusulat, puro assignment na. Assignment kung saan hindi siya nakakatulong para maintindihan ko yung lesson. Parang yung sa History, pa-group work nang pa-group work, pero INTRO palang yung naabot niya!!! Wala pa kami sa kalingkingan ng kabuuang pagkakomplikado ng history book namin; puro "Fields that help with the study of history", "Different interpretations of history, like...". Ayun. Sa totoo lang, gusto ko ung subject kasi atat na ko intindihin ung mga nangyari sa Greeks at Romans; malaman kung sino ba si Bonaparte at ang Vienna Committee-- yung mga ganung klaseng topic. Yung nasa matino naming BOOK.
Pwede bang magself study na lang?
So yun. Ayoko sa pacing ng History lessons namin (and to think third meeting na[!]) at ayoko sa grammar ni Ms. Henson (pati si Arra nanggigigil, hahaha).
Hm, yung Chem din, unsatisfied ako sa pagtuturo ni Ms. Hebron. Ano bang pagkakaiba ng Theory, Fact at LAW?!? Pakiliwanagin mo. Lagyan mo na rin ng facial expression please. At kung magrecite naman kami nang tama, sabihin mo "Very good!" para medyo matuwa naman kami. Maayos siya magsalita, pero naguguluhan ako. So bale, yung theory, may be revised though it has withstood numerous validity tests? Tapos pag fact, it is widely accepted (meaning it may or may not have any scientific basis) BUT may change if disproven? So pareho silang pwede magbago? Argh, naguguluhan talaga ako, kaya nagkamali ako sa seatwork kanina.
Consolation ko lang si Sir Louie (kahit Environmental Ed, basta siya!) at si Ms. Manahan (kasiyahan ko sa pagiging section 1). Andyan din si Sir Andie, ang pinaka-bonjing na teacher na nakilala ko. Sobrang cheery (cheery coke?) niya kaya lagi ako natatawa, kasi kahit corny jokes niya, unpredictable siya kaya ok din ung hirit (madali lang madistract si Sir sa mga joke niya hahaha). Si Ms. Lala rin, okay. I might actually learn something from Filipino after nine years!!!
For the once-a-week subjects:
CAI: Sister Iris
THE: Ms. Brigino - I actually find her a good teacher, so I'm satisfied.
Int. Algebra: Ms. Imee - Ok din; much improvement since naging teacher ko siya nung grade 5.
Computer: Ms. Vikai - Ang tanong: will we ever escape her evil, low-grade-giving clutches?(!!!)
Health: Ms. Cruz - Ok din. Informative naman mga klase niya, kahit naboboringan ung iba.
LAB: Ms. Herrero - Haven't met her yet.
PE: Ms. Santos (1st quarter) - Finally! SOMEONE MORE COMPETENT THAN MS. AJ!
Music: Ms. Ettie - Same old excellence. Bow parin ako sa kanya.
AK: Ms. Herrero - Hmm... I don't like AK. I actually want to challenge the concept of AK (Alay Kapwa), and maybe, I dunno, abolish it or make it into something better... though now's not the time, because I don't want to sabotage my grades.
Hay. Again, I'm compromising my stance on my beliefs. Sabi ni Ms. Herrero "Own what you say." And I want to. I really really want to. Though... is the fuss really worth it?
I'm still a little sore from the "extreme" Pillates we did in PE yesterday.
---
Dedma parin yung YM, so kwento pa ko...
On being in Section 1...
Hmm... they're nice people, really. I get along, I get to talk to my seatmates. But... I'm the new kid. I should know my place. So even if I'm pretty much comfortable with everyone, I'm still hindered by the fact that I'm partly an outsider, therefore I have no right to tell them what to do, for example, when we're in a group. I can't tell them to please concentrate on what we're doing. So I wait. And wait. And smile and be polite until time tears itself into pieces and we accomplish NOTHING that seems worthwhile to me. And I feel secretly irritated, frustrated, exasperated, dismayed every time. If this happened in my old section, I guess it would be okay for me, because I'm part of this social activity called CONVERSATION, and the delights of knowing inside jokes. Whereas being the new kid, I don't get why they seemed to find something hilarious. Their noise grates and bangs on my ears.
Of course. I'm new.
---
Yahoo Messenger will open if, and only if, there is nothing wrong with their system.
Yahoo Messenger will not open if, and only if, there is SOMEthing wrong with their system.
I rest my case.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home